Umaasa ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na papayagan ng gawing 50 percent ang mga kapsidad na dadalo sa bawat misa sa National Capital Region (NCR).
Ito ay matapos na palawigin ng Inter-Ingency Task Force (IATF) ang Alert Level 3 mula Nobyembre 1 hanggang 14 ang NCR at pitong lugar.
Sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary of CBCP Public Affairs Committee na kung bumaba pa sa Level 2 ang Alert status ng NCR ay puwede ng gawing 100 percent.
Tiniyak din nito na kahit na pataasin ang bilang ng mga dadalo ay mahigpit pa rin na ipapautpad ang minimum health protocols.
Binigyang halaga din nito ang pagdalaw ng mga simbahan ay nakakabuti sa kalusugan din ng tao.
Paglilinaw din nito na kung sakaling hindi sila payagan ng mga IATF na magdagdag ay susunod pa rin ang Simbahang Katolika.
Magugunitang sa kasalukuyan Alert Level 3 ay nasa 30 percent lamang ang pinapayagang makadalo sa mga misa sa NCR.