Nilabas ng Department Trade and Industry (DTI) ang bagong Department Order No. 24-172, s. 2024 na naglalayong ipagbawal ang single-use plastic sa buong DTI offices at kanilang mga pasilidad.
Pinuri naman ng Climate Change Commission (CCC) ang ganitong hakbang ng ahensya at naniniwalang ang naturang ahensya ay nagtakda ng standard hinggil sa kung paano ang ahensya makakatulong sa paglaban sa polusyon, protektahan ang marine ecosystems at sa pagbawas ng mga carbon footprints ng mga government agencies.
Hinimok din ng komisyon ang iba pang mga ahensya na sumunod sa mga ganitong hakbangin upang makatulong sa pagbabawas ng epekto ng climate change.
Ang Climate Change Commission (CCC) ay ang policy-making body ng gobyerno pagdating sa mga hakbang ng mga ahensya ng gobyerno sa kanilang climate actions.