Kinumpirma ng Taiwanese maritime authorities na hinarang ng 2 Chinese vessels ang isang Taiwanese fishing vessel na Tachinman 88 nitong gabi ng Martes malapit sa Kinmen archipelago na kaunti lang ang distansiya mula sa baybayin ng China subalit kontrolado ng Taiwan.
Sumampa umano ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa naturang bangka ng Taiwan saka dinala ito sa isang daungan sa mainland China.
Agad namang nag-deploy ang Taiwan ng 3 barko para i-rescue ang Tachinman 88 subalit isa sa mga ito na nagawang makalapit sa fishing boat ay hinarang ng Chinese boats at sinabihang huwag mangialam.
- Monster Ship ng China, nananatili pa rin sa Sabina Shoal – former US Defence Attaché Ray Powell
- Monster ship ng China, patuloy na minamanmanan ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda shoal
- AFP bina-validate pa ang ulat na may 25 lugar sa bansa na target ng hypersonic missile ng China
Napilitang itigil ng panig ng Taiwan ang pag-rescue sa naturang fishing boat para maiwasang tumaas ang tensiyon matapos na ma-detect ng Taiwan maritime authorities ang 4 pang Chinese vessels na papalapit sa kanilang direksiyon.
Sa isang statement, nanawagan naman ang Taiwan Coast Guard sa China na iwasang masangkot sa political manipulation at iwasang masira ang cross-strait relations at palayain ang Tachinman ship at crew nito sa lalong madaling panahon.
Ayon sa Official News Agecy ng Taiwan, mayroong lulan na 6 na crew ang naturang fishing boat kabilang ang kapitan at 5 migrant workers. Hindi naman malinaw ang dahilan ng naging aksiyon ng CCG subalit ito ay maaaring may kinalaman sa tensiyon sa pagitan nila ng Taiwan na inaangkin nitong bahagi ng kanilang teritoryo.
Matatandaan na noong Pebrero ng kasalukuyang taon, pinaigting pa ng China nag pagpapatrolya sa naturang katubigan matapos na malunod ang 2 mangingisdang Chinese habang hinahabol ng Taiwanese Coast Guard sa may karagatan ng Kinmen.