Kinumpirma ni National Capital Region Police (NCRPO) chief, Police Director Oscar Albayalde na hawak na ngayon ng mga imbestigador ang kopya ng mga CCTV footage sa blast site.
Ayon kay Albayalde na nagpapatuloy ang ginagawang pag rebyu sa mga footages ng mga imbestigador.
Pahayag ng heneral na batay sa inisyal na imbestigasyon na kanilang natukoy na ang delivery boy na nagdeliver ng package ay tatlong beses pa nagtanong kung saan ang opisina ni Attorney Abinal dahil sa kaniya naka address ang nasabing package.
Si Atty. Nasser Abinal ay isang Revenue District Officer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naka assign sa Intramuros.
Ina-alam na rin ngayon ng PNP kung may kinalaman sa trabaho, relihiyon ang motibo  na siyang target sa ipinadalang package.
Sinabi ni Albayalde na pinik-up ng delivery boy ang package sa may bahagi ng SM Manila sa pamamagitan ng grab express.
Kinukunsidera din ng PNP na biktima ang delivery boy.
Inihayag din ng opisyal na hindi malinaw ang kopya ng ikalawang pagsabog dahil sa daming ilaw.
Sa ngayon nagpapatuloy ang post blast investigation sa lugar.
Inihayag din nito na naka lock down sa ngayon ang Norzagaray street at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok at paglabas ng mga sasakyan sa lugar.
Ibinunyag din nito na nagsasagawa sila ngayon ng profiling para sa lahat ng nakatirang tenants sa nasabing building.
Nasa higit 50 ang tenants sa nasabing building at inimbtihan na ito ng PNP.
Sa ngayon may mga persons of interest ng tinukoy ang MPD subalit subject for investigation pa rin ang mga ito.
Hindi pa rin matukoy sa ngayon ng PNP kung anong klaseng pampapasabog ang ginamit.