-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nais ni Kabacan, Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr. na malagyan ng mga closed-circuit television camera (CCTV) ang mga chokepoints sa bayan.

Aniya, ito ay upang mabantayan na sinusunod ng mga dumadaan at pumapasok sa bayan ang ipinapairal na alituntunin kaugnay na rin sa Executive Order 61 at 62 ng lalawigan ng Cotabato ukol sa pagsasailalim ng lalawigan sa general community quarantine (GCQ).

Dagdag ng Alkalde na malaking tulong ang CCTV sa posibleng mangyaring karahasan o krimen.

Mabilis anyang matukoy ng mga otoridad kung ang mga suspek ay mahagip ng CCTV sa kanilang pagtakas.

Magdadalawang isip rin daw ang mga masasamang tao o grupo na pumasok sa Kabacan dahil sa may nakakabit na CCTV sa kanilang dadaanan.

Bago lang ay nalagyan na ng CCTV ang Brgy Dagupan sa Kabacan kaya naengganyo si Mayor Guzman Jr na lahat ng chokepoints sa bayan ay lagyan na rin.

Ang hakbang ng alkalde ay suportado ng maraming sektor lalo na ang mga SB members, PNP, AFP, LGU at ni ABC president Councilor Evangeline Guzman.