Idinepensa ng ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang order na pagsusuot ng facemask sa mga lugar na laganap ang kaso ng COVID-19.
Kabilang sa pinagsusuot ng facemask ay ang mga bakunado na rin kontra COVID-19.
Ginawa ito ng Amerika dahil sa pinangangambahang COVID surge dulot ng Delta variant na kinilalang most transmissible version ng pathogen.
Sa ngayon, pinagsisikapan ng Amerika na mapabilis ang vaccination rate sa Missouri, Arkansas at Florida.
Inirekomenda rin ng CDC sa mga paaralan na muling nagbukas na magsuot ng facemask kahit sa loob ng paaralan ang mga estudyante, guro at mga staff kahit bakunado na.
Kung maalala, dalawang buwan lamang ang nakalilipas, sinabi ng CDC na ang mga “fully vaccinated” ay hindi na kailangang magsuot ng facemask sa loob ng bahay.
“Vaccinated individuals continue to represent a very small amount of transmission occurring around the country. We continue to estimate that the risk of a breakthrough infection with symptom upon exposure to the Delta variant is reduced by seven-fold. The reduction of 20-fold for hospitalizations, and deaths,” CDC director Dr. Rochelle Walensky.
“As CDC has recommended for months, unvaccinated individuals should get vaccinated and continue masking until they are fully vaccinated.”