Pinaiksi ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa limang araw ang isolation para sa mga asyptomatic na COVID-19 patients mula sa dating 10 araw.
Inirekomenda din ng CDC ang limang araw na quarantine para sa mga hindi bakunado na nagkaroon ng exposure sa virus o hindi pa nababakunahan ng booster dose
Matapos ang limang araw na isolation o quarantine, kailangang sundin ang limang araw na istriktong pagsusuot ng face mask kapag may ibang tao.
Ang mga indibidwal naman na nabakunahan na ng booster dose na na-expose sa COVID-19 positive ay hindi na kailangang mag-quarantine subalit kailangang magsuot ng face mask sa loob ng 10 araw.
Paliwanag ni CDC Director Rochelle Walensky na ang updated recommendations para sa isolation at quarantine base sa impormasyon na mayroon hinggil sa COVID-19 at Omicron variant at proteksiyon na ibinibigay ng vaccination at booster doses.
Ayon sa CDC, 73% ng COVID infections sa Amerika ay bunsod ng Omicron variants.