Itinuturing ngayon ng OCTA Research ang Cagayan de Oro City bilang “critical risk” matapos na magtala ng critical levels ang infection rate, positivity rate at ang intensive care unit (ICU) utilization.
Base sa pinakahuling monitoring report mula July 18-24 ay nagtala ng 117 na kaso ang daily average ng COVID-19 cases.
Ito ay 109 percent na mas mataas kumpara noong nakaraang mga linggo na 56 average cases.
Isa rin ang CdeO na nakitaan ng Department of Health (DOH) ng anim na kaso ng Delta variant ng COVID-19 noong Hulyo 16.
Nangunguna pa rin ang Davao City sa mga Local Government Unit na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Tumaas naman ng 43 percent mula ang naitalang kaso sa Metro Manila kung saan mula Hulyo 18-24 ay mayroong 897 na COVID-19 cases kada araw.
Mayroong ding 1.29 percent ang itinaas ng reproduction number ng COVID-19.