-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Pinutol ng tuluyan ng kompanyang Metro Pacific Water sa pamamagitan ng Cagayan de Oro Bulk Water Incorporated ang pagsu-suplay tubig nito para sa mga konsumante ng Cagayan de Oro Water District na nakabase sa unang distrito ng syudad.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni MetroPac Water senior legal counsel Atty. Roberto Rodrigo na masyado na umano silang bina-balewala ng city water district partikular sa milyun-milyong halaga na collectibles kaya itinuloy na ang pagputol ng tubig sa treat facility ng Rio Verde Water Consortium sa Baungon,Bukidnon epektibo kahapon.

Sinabi ni Rodrigo na apektado na umano ang iba nila na mga obligasyon kaya pagpuputol ng tubig ang nakikita nila na solusyon upang tumino ang COWD.

Bagamat labis na inalala ng kompanya ang epekto nito sa water consumers subalit wala na umano silang ibang paraan para umayos ang COWD.

Una nang naghain ng petition ang city government sa pamamagitan ng dalawang tax payers upang labasan at pigilan ang COBI subalit kinulang ang kanilang basehan kaya ibinasura ng Regional Trial Court Branch 41.

Magugunitang unang nanindigan ang management at board of directors ng COWD na wala silang dapat bayaran sa COBI dahil mali umano ang basehan ng paramatrix computation at kuwestiyonable rin ang laman ng 30-year bulk water contract.