-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Naitala na ang ‘sustaining local transmission’ ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos tumaas pa ang kaso ng positibong kaso ng virus kung saan tatlo sa mga pasyente ang pumanaw na habang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) ng lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni City Epedimiologist Dr Joselito Retuya na tama ang Department of Health -10 na nakaranas na ang lungsod ng local transmission dahil sa tatlong pasyente na nasawi na kapwa walang travel history.

Inihayag ni Retuya na tinukoy nito ang dalawang pinakahuling pasyente na mabilis ang pagkasawi habang naka-confine sa NMMC subalit hirap ma-contact trace ang pinagmulan ng virus na nakahawa sa mga ito nitong linggo lamang.

Dagdag ni Retuya na kahit ang pangalawang COVID-19 fatality na nagmula sa Sitio Pinikitan,Barangay Camaman-an na nakahawa pa ng dalawang miyembro ng pamilya nito ay nahirapan din ang local health officials kung paano at saan nito nakuha ang virus.

Magugunitang ang nabanggit na pasyente ay hindi madalas lumabas ng bahay at walang travel history subalit nahawaan at tuluyang namatay matapos ang palipat-lipat na pagpapagamot dito sa lungsod.