CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapa-resolba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ang lalong umiinit na milyun-milyong piso na disputed payables ng tubig sa pagitan ng kompanyang Metro Pacific Water-Cagayan de Oro Bulk Water Incorporated (MetroPac-COBI) at Cagayan de Oro Water District (COWD) sa syudad ng Cagayan de Oro.
Ginawa ni Marcos ang kautusan dahil ito ang sumalubong na isyu sa kanyang muling pagdalaw sa lungsod nang isanagawa ang ceremonial presidential cash giving assistance para sa mga pamilya na apektado ng El Niño phenomenon sa Northern Mindanao sa Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr Internatioanal Convention Center kaninang hapon.
Sinabi ng pangulo na direktang kinausap nito ang may-ari ng MetroPac-COBI na si Manny V. Pangilinan para mabigyang solusyon at mapanatag ang kaloob ng COWD consumers ng lungsod.
Magugunitang nagka-subukan na ang MVP-run company na MetroPac nang pinutulan ng tubig-suplay ang syudad dahil nagmatigas magbayad ng higit P400 milyon payables sa COBI habang mabilis naman samaklolo ang Regional Trial Court Branch 17 at naglabas ng 72 oras na temporary restraining order pabor sa COWD na kapwa nitong linggo lamang.
Nakaamba pa ang persona non grata declaration ng city government laban MVP company na maaring lalabas sa susunod na linggo dahil siningil lang ang COWD pero ayaw magbayad kaya napilitan isara ang water treatment valve control kaya maraming barangay ang nawalan ng tubig.