-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan at patuloy na nilalapatan ng medikasyon ang piloto kasama ang tatlo nitong pasahero sa Sanitarium Medical Hospital ng Valencia City,Bukidnon.

Kaugnay nito sa pagbagsak ng isang kulay pula na helicopter na may marking na RP – C189 R44 na pagmayari ng Philippine Adventist Medical Aviation Services sa Banana Plantation, Module 181, Block 3, Purok 4, Poblacion, Lantapan, Bukidnon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na kabilang sa mga sugatan ay si Jarred Kian Daria,piloto ng chopper kasama ang mga pasahero na sina Allan Martinez; Garry Soria at Carmelo Paras Jr na lahat dinala sa pagamutan.

Sa inisyal na pagsisiyasat,lumalabas na maaring nagkaroon ng engine overheating ang chopper dahilan na bumagsak kanilang tanghali.

Sinasabing nagpa-plano sana na magsagawa ng skydiving activity ang mga biktima sa Barangay Bantuanon,Lantapan,Bukidnon ng mangyari ang helicopter crash.