-- Advertisements --

Davao City – Nakahanda na ang Davao City Disaster Risk Reduction Management office (CDRRMO) sa magiging epekto ng Low Pressure Area (LPA) na nasa Silangang bahagi ng Lungsod ng Davao.

Patuloy ngayon ang pagbibigay ng advisory ng ahensiya sa publiko at maging handa umano sa maaaring epekto ng sama ng panahon.

Ayon kay Rodrigo Bustillo, CDRRMO head na posibleng maging Tropical Depression ang Low Pressure Area ang binabantayang sama ng panahon.

Aaasahan umano ang pag-ulan sa Davao Region at dahil dito ay nakaposisyon na ang lahat na volunteers bawat Brangay.

Samantalang, nagpapasalamat naman si Bustillo dahil makakaranas ng pag-ulan ang Davao Region lalo na ang mga labis na naapektuhan sa El Niño Phenomenon.

Hiling naman ni Bustillo sa publiko na palagiing handa sa epekto ng LPA lalo na ang mga lugar na malapit sa dagat o ilog at ang nasa landslide prone Area.