-- Advertisements --

Kinumpirma ng Estados Unidos na maaaring maipagpatuloy ang ceasefire deal sa pagitan ng Lebanon at Israel simula Pebrero 18 ng taong ito.

Una nang sinabi ng Israel na mananatili sa south Lebanon ang kanilang mga militar sa kabila ng itinakdang deadline.

Ayon sa White House, patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring sa naturang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa nakalipas na pag-atake ng Israel sa Lebanon, aabot sa 22 katao ang nasawi noong Linggo.

Ang giyera sa pagitan ng Israel at Lebanon o militanteng grupo na Hezbollah ay sumiklab matapos na makisimpatya ng Hezbollah sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.

Hindi naman binanggit ng Israel kung hanggang kailan magtatagal ang kanilang mga tropa sa southern Lebanon kung saan patuloy ang operasyon nito laban sa Hezbollah.

Patuloy nitong sinisira ang mga building dahil sa paniniwalang pinagtataguan ito ng mga militanteng grupo.