-- Advertisements --

Walang nakikitang kasunduan para sa isang tigil-putukan sa Ukraine matapos ang magkahiwalay na pakikipag-usap ni French President Emmanuel Macron sa kaniyang Russian at Ukrainian counterparts.

Tumagal ng isang oras ang usapan ni Macron kay Russian President Vladimir Putin via phone.

Kumbinsido naman si Macron na kailangan pa niyang ipagpatuloy ang kaniyang effort upang maisakatuparan ang ceasefire.

Napag-alaman na mula noong unang sumiklab ang digmaan noong Pebrero 24, pinananatiling bukas ni Macron ang kaniyang linya ng komunikasyon kasama sina Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Nakipag-usap si Macron kay Putin ng walong beses at kay Zelensky ng 17 beses mula noong simula ng pagsalakay ng Russia noong nakaraang buwan.

Kung maalala, nauna nang sinabi ni Zelensky na maaaring humantong sa World War 3 ang giyera sa Russia at Ukraine kapag walang mangyaring negosasyon sa pagitan nila ni Putin.