-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ng Hamas na ipinagpatuloy na ng Israel ang ceasefire deal.

Ayon kay Basem Naim isa sa mga political official ng Hamas, na patuloy ang ginagawang negosasyon ng mga international mediators sa Palestinian group at Israel sa ceasefire sa Gaza.

Umaasa ito na sa nasabing pag-uusap ay matutuludukan na ang giyera na umabot sa mahigit 14 na buwan.

Natigil lamang kasi ang ceasefire negotiation noong nakaraang buwan matapos na isuspende ng Qatar ang pag-uusap sa mga mediators mula Egypt at US dahil sa pagkadismaya na walang anumang nakikita itong pag-usad sa pagitan ng Hamas at Israel.