-- Advertisements --

CEBU – Sa kanilang ikalawang pagbisita sa Cebu, mas maraming supporters ang bumati sa isang kandidatong tumatakbong presidente ngayong darating na halalan.

Iginiit ng mga organizer na tinatayang 250,000 indibidwal ang dumalo sa Ceboom, ang ikalawang grand rally nina Robredo at Pangilinan para sa Cebu na ginanap noong Huwebes, Abril 21.

Ang jampacked sortie ay ginanap sa isang open area sa North Reclamation Area sa Mandaue City na may lawak na 52,659 metro kuwadrado at tumagal ng humigit-kumulang pitong oras.

Nagsimulang tumanggap ng mga bisita ang Ceboom pasado alas 2 nang hapon.

Makalipas ang mahigit limang oras, o bandang alas-7:30 ng gabi, iniulat ng mga awtoridad mula sa Mandaue City Police Office (MCPO) na umabot sa 50,000 ang mga taong nagtipon sa nasabing aktibidad.

Gayunpaman, pagkaraan ng ilang minuto, mas lalo pa itong dumami.

Wala namang naitalang untoward incident sa nasabing aktibidad ngunit may naitalang hinimatay dahil narin sa init at siksikan na ang mga tao.//

Ramdam rin ang bigat ng trapiko sa mga kalsadang nakapalibot sa nasabing lugar.