Pinaalalahanan ngayon ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga Cebuano na kailangang pahalagahan ang buhay ngayong karamihan sa mga bahagi ng mundo ay nahaharap sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Isinagawa nito ang pahayag sa pagdiriwang ng Linggo ng palaspas bilang marka sa pagsisimula ng Holy Week.
Gayunpaman, kakaunti lamang na tao ang dumalo sa misa dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing na nag-udyok sa Archdiocese of Cebu, tulad ng iba pang mga Simbahang Katoliko sa bansa na limitahan ang mga pagtitipon at pagsuspendi sa ilang mga aktibidad nitong Holy Week.
Sa kanyang homily, hinikayat ni Palma ang publiko na sundin ang mga direktiba ng gobyerno laban sa COVID-19 at iwasang gumawa ng kaguluhan.
Ipinahayag din ni Palma ang kanyang pasasalamat sa mga frontlines na patuloy na nakikipaglaban at nagbuhis ng kanilang buhay upang matiyak na natupad ang mga pangangailangan ng mga tao.
Nagpaabot rin ito sa kanyang pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa nasabing virus at nag-alay din ito ng dasal para sa kanilang mga kaluluwa.
Bago nagtapos ang Misa, pinangunahan din ni Palma ang pagdarasal ng Oratio Imperata laban sa COVID-19.