CEBU CITY – Pinangunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang isang Eucharistic Vigil kagabi, Pebrero 20, sa Martins of Lisieux Chapel, San Carlos Seminary College, upang ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Pope Francis.
Nagsimula ang nasabing prayer vigil sa ganap na alas-10 ng gabi hanggang nitong araw ng Biyernes, Pebrero 21, na sinundan ng isang banal na misa sa ganap na alas-6 ng umaga.
Ang naturang vigil ay nagtipon ng mga miyembro ng lay faithful, gayundin ang mga formator at seminarista mula sa archdiocesan seminaries of Cebu.
Kabilang din dito sa isinagawang prayer vigil ang Pope John XXIII Minor Seminary, San Carlos Seminary College, at Seminario Mayor de San Carlos.
Samantala, hinimok naman ni Palma ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang taimtim na panalangin para sa mas mabilis na pagpapagaling na makakatulong aniya sa mahal na Santo Papa.
Ipinagdasal nito ang mga health care professional na kasalukuyang tumutulong sa Santo Papa na malunasan ang sakit nito.
Sa ngayon, ay kasalukuyan na na-confine sa Gemelli Hospital sa bansang Roma si Pope Francis, kung saan ito ay sumasailalim sa paggamot dahil sa sakit na double pneumonia.
“On behalf of the Archdiocese of Cebu, I would like to solicit and ask for your fervent prayers for our Holy Father who we know is sick. In God’s love, we pray for his healing. We know how much he means to us, and how much he loves us. In this prayer of healing, may he recover to good health, that he may continue to serve in the same zeal and charity for all of us. And so once more, I plead, I ask for fervent prayers for the intentions of our Holy Father. We pray that the Lord, in His kindness, will bring him back to health,” panawagan pa ni Palma.