-- Advertisements --

Itinalaga ni Pope Francis si Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones bilang bagong Arsobispo ng Jaro. Ang 55-taong-gulang na obispo ay babalik sa Archdiocese of Jaro, kung saan siya na-ordinahang pari 29 taon na ang nakalipas, upang pamunuan ang Iloilo.

Inanunsyo ang balita ng Vatican noong linggo, Enero 2, kasabay ng Solemnity of Our Lady of Candles, na ibinahagi naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Papapalitan ni Bishop Billones si retired Archbishop Jose Romeo Lazo, na nagsilbi sa archdiocese ng halos pitong taon. Tinanggap ng Santo Papa ang pagbibitiw ni Lazo sa edad na 76, na lumampas sa itinakdang retirement age na 75 para sa mga obispo.

Bilang ika-14 na Arsobispo ng Jaro, pamumunuan ni Billones ang archdiocese na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Iloilo at Guimaras, pati na rin ang lungsod ng Iloilo.