-- Advertisements --
BOHOL ODETTE
Bohol province aerial shot

Inaasahang magsusunuran na rin ang ilan pang lugar sa bansa na matinding tinamaan ng kalamidad dahil sa pananalasa ng bagyong Odette para magdeklara ng state of calamity.

Una nang kinumpirma ni Bohol Governor Arthur Yap ang paglalagay sa buong probinsiya sa state of calamity dahil sa malaking pinsala.

Pinirmahan ng gobernador ang Executive Order No. 65 para sa naturang deklarasyon.

Tinawag pa niya na “mini-typhoon Yolanda” ang tumama sa kanilang lugar.

Sa kabilang dako sa ulat ng Bombo Radyo Cebu, si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ay nagdeklara rin ng state of calamity sa buong probinsya.

Liban nito si Cebu City Mayor Mike Rama ay nag-utos din ng “city-wide general state of calamity and emergency.”

Sa report naman ng Bombo Radyo Butuan ang kanilang lokal na pamahalaan ay nag-anunsiyo na rin nang state of calamity.

Nito namang nakalipas na Biyernes ay maagang nagdekalara ng state of calamity ang bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte bunsod pa rin ng epekto ng typhoon Odette.

BOHOL YAP
CEBU GWEN