-- Advertisements --

Cebu City Acting Mayor Raymond Alvin Garcia, ‘very satisfied’ sa performance ni PCol Antonieto Cañete kaya irekomenda pa niya itong permanenteng director ng Cebu City Police Office

Inanunsyo ni Cebu City Acting Mayor Raymond Alvin Garcia na ‘very satisfied’ siya sa naging performance kaya kanyang irekomendang permanenteng director ng Cebu City Police Office (CCPO) si Police Colonel Antonieto Cañete.

Sinabi pa ni Garcia na marami pa umano ang nangyayari sa lungsod kaya may mga ipinag-utos siya at matagumpay naman aniyang naisagawa ni Cañete ang mga ito.

Inihahalimbawa pa nito ang pagkakaroon ng resulta sa mga nagaganap na krimen sa lungsod na natugunan naman at nasampahan ng mga kaso ang mga salarin.

Binigyang-diin pa ng alkalde na hindi maiiwasang may mga kriminal na gawain gayunpaman, ang mahalaga pa umano nito ay matugunan, imbestigahan at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Umaasa naman si Garcia na sa ilalim ng pangangasiwa ng bagong City Director, lahat ng 800 pulis sa Cebu City ay gagawin ang kanilang trabaho, protektahan ang mga nasasakupan, at labanan ang krimen.