-- Advertisements --

Inilarawan ni Cebu City Sports Commission chairman John Pages na ngayong taon ay isang makasaysayang taon ng Cebu City para sa sports.

Sinabi pa ni Pages, sampung taon na kasi ang nakalipas mula nang mag-host ang lungsod ng Central Visayas Regional Athletic Association at tatlumpung taon na rin mula nang mag-host ito ng Palarong Pambansa.

Aniya, mahigpit silang nakipag-ugnayan sa iba’t ibang stakeholders lalo na sa pribadong sektor at pribadong unibersidad upang magbigay venue para sa ilan sa mga sporting events.

Samantala, all systems go na para sa regional meet na pormal na magbubukas ngayong Sabado, Mayo 4, sa South Road Properties.

Inaasahan naman ang mahigit 12,000 kalahok mula sa 20 schools division offices, kabilang ang mga atleta, coaches, at mga opisyal.

Tiniyak ng Department of Education at mga opisyal ng lungsod na nakahanda na ang lahat para sa weeklong sporting event na kanilang kinokonsidera bilang simulation ng pagho-host ng Palarong Pambansa.

Mayroong 24 na kaganapang pampalakasan at apat na para-games para sa mga student athletes at kabuuang 1,362 na gintong medalya naman ang nakataya.

Dahil naman sa patuloy na nararanasang matinding init ng panahon, wala namang isasagawang outdoor games mula alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.