-- Advertisements --

CEBU – Nakahanda ang Cebu City Department of Public Services (DPS) na mag-alok ng tulong sa pamilya ng isang mtotrcycle rider na namatay matapos masagasaan ng isa sa mga trak ng basura sa Cebu City sa Barangay Talamban.

Naganap ang aksidente sa pagitan ng Barangay Cabancalan sa Mandaue City at Barangay Talamban sa Cebu City pasado alas-6 ng umaga noong Miyerkules, Hunyo 1.

Kinilala ang biktima na si Kent Jaban Duterte, rider ng motorsiklo, residente ng Sitio Colo, Barangay Lahug.

Napag-alam na pawang patungo sa iisang direksyon ang mga nasasangkot nang mangyari ang aksidente.

At sinabing nalampasan ni Duterte ang siklistang si Dovil Pening, 36, binata at taga Cadahuan, Talamban.

Pero nabangga umano ng motor ang bisikleta dahilan para mahulog ang dalawa.

Nang mahulog sila, tumawid din sa parehong direksyon ang isang DPS garbage truck na minamaneho ni Benjamin Morga, 56, may asawa at residente ng Biasong, Bonbon, Cebu City.

Nabangga ng trak ang nakamotorsiklo kung saan tumama ito sa kanyang ulo dahilan ng kanyang biglaang pagkamatay samantala nagtamo lamang ng mga minor injuries ang siklista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, sinabi ni Atty. John Jigo Dacua, ang head ng DPS, na hinihintay pa nila ang ulat mula sa pulisya hinggil sa insidente.

Nilagyan di ng liaison officer ang driver ng dump truck sa himpilan ng pulisya kung saan pansamantala itong nakakulong habang hinihintay ang paglilitis ng pulisya.

Humingi ng paumanhin si Dacua sa aksidente dahil walang gustong mangyari ito at idinagdag na handang mag-alok ng tulong ang kanilang tanggapan sa pamilya ng biktima.

Hahanap ang DPS ng badyet o paraan para matulungan ang natitirang pamilya.

Pansamantala, hindi papayagang magmaneho ang driver ng dump truck habang nakabinbin pa ang imbestigasyon.