CEBU CITY – Sinibak sa trabaho ang isang casual employee ng Cebu City hall matapos mahulihan ng shabu sa isang buy bust operation sa lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu.
Napirmahan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang termination order ni Robeth Sable Delos Santos, isang Administrative Aid III ng Department of General Services (DGS).
Una rito, nasabat ng PNP at PDEA sa nasabing operasyon kahapon sa Brgy. Babag, Lapu-lapu City ang isang medium size ng shabu na nagkakahalaga ng P714,000.
Ayon kay Labella, isang malaking kahihiyan ang sinapit ni Delos Santos dahil ginamit umano sa illegal drug transaction ang sasakyang pagmamay-ari ng city government.
Kaya naman, pinaiimbestigahan ng alkalde ang head ng DGS dahil sa umano’y pagpapagamit ng mga pagmamay-ari ng pamahalaan sa mga iligal na gawain.
Napag-alamang kinasuhan na rin si Delos Santos dati dahil sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.