CEBU – Kaagad magsasagawa ng disinfection ang Cebu City Hall kasabay ng pagsasara rin ng gusali ngayong araw.
Ito’y dahil marami na sa mga empleyado nito ang nagpositibo sa Coronavirus Disease-2019 (COVID-19).
Gagawin ang disinfection sa loob at labas ng City Hall at isasagawa rin ang physical arrangement para maipatupad ang social distancing.
Ginawa mismo ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang kautisan upang masiguro ang health condition ng mga empleyado sa City Hall.
Nabatid na umabot na sa halos 70 empleyado ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan apat ang namatay kasama na si Cebu City Councilor at dating Congressman Anthony “Tony” Cuenco.
Kaugnay nito, wala na munang transaksyon sa lahat ng opisina sa Cebu City Hall mula ngayong araw hanggang bukas.
Gayunpaman, mananatiling namang nakabukas ang COVID-19 Command Center nitong lungsod.