CEBU CITY – Nagdeklara na ng State of Calamity si Cebu City Mayor Mike Rama kaugnay na rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kaugnay nito, idineklara din ng alkade ang ‘no work, no classes’ ngayong araw bilang preventive measure dahil na rin sa bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan dito sa lungsod.
Ang pag-ulan ay nagdulot na ng ilang pagbaha at pagguho ng lupa, lalong-lalo na sa probinsiya ng Cebu.
Habang, kanselado na rin ang lahat ng byahe sa mga sasakyang pandagat, at dahil dito, may mga stranded na pasahero na ang naitala sa mga pantalan.
Dagdag pa nito, may tumaob rin na roro vessel sa Consuelo Port, San Francisco, sa isla ng Camotes dahil sa malalaking alon na humampas sa pantalan.
Ang nasabing roro vessel ay may dalang 5,439 liters sa diesel oil, at 68 liters sa lube oil, gayunpaman, ligtas naman ang 14 na crew members na sakay nito.
Sa ngayon, nararanasan pa rin dito sa lungsod ang maulap na kalangitan at hindi naman gaanong kalakasan ang ulan, ngunit nararamdan ang malakas na bugso ng hangin.
Maliban sa Cebu ay ramdan na rin ang Bagyong Agaton sa ibat-ibang bahagi ng Visayas at may naitala naring namatay dahil sa epekto na dala nang bagyo.
Sa Negros Oriental, tatlo na ang naitalang namatay kung saan isa rito ay isang apat na taong gulang na bata na naiulat na nalunod sa isang sapa sa Barangay Bongalonan, Basay, Negros Oriental.
Sa kasalukayan, itinaas na sa Signal number 1 ang the northeastern portion sa Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bantayan Islands, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Borbon, Tabuelan, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) including Camotes Island, at
eastern portion sa Bohol (Buenavista, Danao, Dagohoy, Pilar, Guindulman, Candijay, Mabini, Alicia, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Trinidad, Bien Unido, Talibon, Jetafe).