Tiniyak ni Cebu City Mayor Micheal Rama na may mga gagawing hakbang ang lokal na pamahalaan nga lungsod ng Cebu ukol sa mga nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa ilang mga preso sa Cebu City Jail.
Inihayag ng Mayor na Tanging sa Bombo Radyo Cebu lang nito napag-alaman ang nasabing seryosong problema kaya ipinag-utos niya sa Cebu City health Department na bisitahin ang mga pasilidad sa basing sitwasyon.
Anyia ang nasabing pasilidad ay may sariling mga doktor at nars, ngunit ito pa rin ang kanyang dadalawin ni Dr. Daisy Villa, ang pinuno ng City Health at mga kaakibat nito.
Gayunman, tinukoy ni Mayor Rama na walang hurisdiksyon ang pamahalaang lungsod sa nasabing pasilidad dahil nasa ilalim ito ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ngunit mayroon umanong Police Coordinating Advisory Council (PCAC) ang lungsod kung saan kabilang ang BJMP. dahilan kung bakit hindi nararapat na balewalain ang nabanggit na problema sa City Jail.
Matatandaang kinumpirma ni Cebu City Jail Officer 3 Blanche Aliño, ang jail information officer, na mahigit 10 preso ang nagpositibo sa HIV.
Nabatid na nasa 6,100 ang nakakulong sa loob ng Cebu City Jail Male Dormitory.