-- Advertisements --

CEBU – Ipinagmamalaki ni Cebu City Mayor Mike Rama na sa kanyang administrasyon ay ganap nang nabayaran ang utang ng lungsod sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa paggawa ng South Road Properties (SRP).

Sinabi ni Mayor Rama na ang pagkaantala sa pagbabayad ng SRP ay dahil sa P1-million penalty na binabayaran ng lungsod sa araw-araw kaya naman natagalan bago nabayaran nang buo.

Sa halip na gamitin ang benta ng SRP para sa mga pangunahing serbisyo sa lungsod, gagamitin pa ito sa pagbabayad ng penalty.

Matapos makompleto ang kaso na isinampa ng BOPK nang ibenta ang 25 ektarya ng SRP sa halagang P16 bilyon kung saan napatunayang legal ang pagbebenta, ang nasabing halaga ang ginamit upang tuloyan ng mabayaran ang utang ng syudad sa JICA.