CEBU – Ibinunyag ni Cebu City Mayor Mike Rama na kinansela niya ang lahat ng kontrata sa Cebu City Medical Center (CCMC).
Desidido si Mayor Rama na gumawa ng panibagong yugto ng investment begging upang makumpleto ang CCMC matapos niyang ipahayag ang kagustuhang wakasan ang kasalukuyang P900-milyong kontrata para sa 10-palapag na CCMC project.
Dahil sa hindi kasiyahan sa umano’y pagkaantala ng proyekto, inihayag ng alkalde na nasa proseso ang lungsod ng pagtatapos ng kontratang pinasok nito sa isang pribadong contractor na gagawa ng ikaapat na yugto ng proyekto.
Nabatid na 7 taon na ang CCMC project at tila nauubos na ang pasensya ng alkalde at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos.
Matatandaan na dati nang nagbanta si Mayor Rama na tatanggalin ang kontrata sa CCMC kapag hindi nakumpleto ang natitirang mga palapag sa kanyang kaarawan, Oktubre 28.