-- Advertisements --

CEBU – Aasahan sa taong 2025 ang pagtatayo at pag-operate ng waste-to-energy (WTE) facility sa Cebu City.

Ito ang target na itinakda ni Cebu City Mayor Michael Rama na kanyang pinirmahan noong araw ng Huwebes , Setyembre 22, kung saan pumasok ang lungsod sa isang Joint Venture Agreement (JVA) kasama ang private entity New Sky Energy, Inc. para sa Cebu City WTE project.

Sa parehong araw, nilagdaan din ni Rama ang notice of award sa pormal na pagbibigay ng konstruksyon, pag -unlad, at pagpapatakbo ng WTE facility sa New Sky Energy (Philippines) Inc., na kinakatawan ng manager ng proyekto na si Baoguang Huai.

Naging matagumpay ang signing of the JVA sa kabila nga mga kahilingan ng ialang organisasyon na ibasura ang WTE proposal sa kadahilanan na magpapalala lamang ito sa kapaligiran.

Siniguro naman ni Cebu City Councilor Joel Garganera, chairman ng city’s Committee on Environment, na hindi mailalagay ang lungsod sa isang kawalan sa mga tuntunin ng kalusugan at sa kapaligiran.