-- Advertisements --

Pinangunahan ni Cebu City Mayor Mike Rama ang groundbreaking ceremony sa Guadalupe access ramp na magkokonekta sa Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX).

Bahagi ito ng orihinal na disenyo ng CCLEX noong una itong ipinakilala sa pamahalaang lungsod kung saan kapag matapos ito ay mas madali nalang para sa mga motoristang pupunta o mula sa Cordova na magtungo nitong lungsod dahil may access na patutong sentro dito.

Sa ngayon, ang Cebu-Cordova Link Expressway Corp. (CCLEC), ang pribadong entity sa likod ng CCLEX, ay nakikipag-ugnayan na sa City Planning and Development Office (CPDO) sa pagsasapinal ng mga partikular na alignment para sa plano.

Tinatayang nagkakahalaga ang proyektong access ramp na ito ng P2-P3 bilyon na puhunan.