CEBU – Malaki ang pasasalamat ni Cebu City Mayor Mike Rama sa kanyang tagumpay matapos mahalal na pangulo ng League of the Philippines (LCP).
Aniya, hindi man niya mapasalamatan ang lahat ngunit labis siyang natutuwa sa suportang natanggap niya.
Kabilang sa mga pinasalamatan ni Rama sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Bise-Presidente Sara Duterte-Carpio, ang kasalukuyang House speaker, at ang pangulo ng Senado, sa kanilang suporta sa kanyang hangarin para sa pagkapangulo ng LCP.
Plano ngayon ni Rama na dalhin ang lahat ng mga alkalde sa bansa sa Cebu City na kasama sa kanyang plataporma kabilang ang pagbibigay kahulugan sa lokal na awtonomiya at pagsisikap na gawin ang lahat ng mga lungsod sa bansa na “smart city” at “globally competitive” at iba pa.
Nakuha ni Rama ang boto ng 110 city mayors mula sa 146 na miyembro ng LCP sa halalan noong Huwebes, Hulyo 21, sa Maynila.