-- Advertisements --

CEBU CITY – Negatibo sa lumabas na resulta sa ‘surprise drug test’ si Cebu City Mayor Edgardo Labella at mga staff.

Aabot sa 41 na mga staff sa Mayor’s Office ang sumailalim sa surprise test ika 10 ng Nobyembre.

Ito ang kinumpirma ni Cebu City Office for the Substance Abuse Prevention (COSAP) Jonah John Rodriguez na siyang nagsagawa sa sorpresang drug test.

Kung matatandaan na mismo si Mayor Labella ang unang sumailalim sa drug test para pangunahang ang anti-drug campaign ng Syudad.

Una nang binigyang diin ng Alkalde na nais nitong maging drug-free ang tanggapan sa buong Cebu City Hall.