-- Advertisements --
CEBU CITY – Pabor si Cebu City Mayor Edgardo Labella na manatili pa rin ang Cebu City sa modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon pa sa alkalde, hindi mabuti para lungsod na tanggalin ang status ng quarantine at dapat pa rin mayroong paghihigpit para sa mga negosyo para ligtas ang kanilang operasyon sa panahon ng pandemya.
Masusing binantayan ngayon ng alkalde ang mga sementeryo kasama si Cebu City Councilor Dave Tumulak at ang kagawaran ng PROBE team para sa mahigpit na pagpapatupad ng protocol sa nanalapit na araw na mga patay.
Kasabay ito sa utos ng Malacañang na temporaryong pagpasasara sa mga sementeryo sa buong bansa simula sa Oktubre 29 hanggang sa Nobyembre 4.