-- Advertisements --
Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Cebu City Mayor Michael Rama.
Ang pagsuspinde ay batay sa reklamo ng apat na empleyado sa city hall matapos silang maitalaga sa ibang mga puwesto.
Bukod kay Rama, kasama rin sa suspensiyon ang pito pang opisyal ng city hall.
Sa isang resolusyon na inilabas ni Ombudsman Samuel Martires, sinabi niya na nakakita sila ng sapat na batayan upang maiwasang masuspinde si Rama para sa reklamong grave misconduct at conduct unbecoming of a public officer, at conduct prejudicial to the best interest at iba pa.
Wala pa namang inilalabas na pahayag hinggil dito ang kampo ng alkalde. (With reports from Bombo Cebu)