-- Advertisements --

STAR CEBU – Nakapagtala na naman ng 40 panibagong kaso ng coronavirus disease(COVID-19) ang Cebu City ngayong araw ng linggo.

Sa datos na inilabas ng Cebu City Health Department (CCHD) kaninang alas-otso ng umaga ,33 sa mga bagong kaso ay nagmula sa Negative ,Carreta, Alaska, Mambaling (2), Sambag 2 (2), Bato, Ermita (1), Punta Princesa (1) Sunset Drive Lahug (1), at isa namang OFW na hindi pa rin tukoy ang address.

Nagsagawa naman ng contact tracing ang CCHD sa mga panibagong kaso ng naturang virus. Naka-isolate na rin ang mga nasabing pasyente.

Pinaalalahanan naman nito ang publiko na maging mas maingat, mag-observe ng proper hygiene, magsuot ng face mask, at palaging maghugas ng kamay.

Ang pinaka-importanteng paalala rin nito na manatili lamang sa loob ng bahay at magpakonsulta sa doktor kung masama ang pakiramdam.

Sa ngayon, umabot na sa 1,474 ang kabuuang kaso ng nasabing virus nitong lungsod kung saan 7 na ang naitalang namatay habang 31 naman ang nakarekober.