Nakatakdang maging host ang City of Cebu sa sabay-sabay na paglulunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa buong bansa ng kanilang programa laban sa ilegal na droga sa Nobyembre 26, 2022.
Muling iginiit ni Mayor Michael Rama ang kanyang pangako na suportahan ang kampanya ng Pambansang Pamahalaan laban sa ilegal na droga sa courtesy call kina DILG Undersecretary Marlo Iringan at Assistant Secretary Francisco Cruz sa opisina nitong Biyernes, Nobyembre 4.
Sinabi ni Rama na tutulong ang Pamahalaang Lungsod sa paghahanda ng programa ng DILG na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o Bida.
Napili ang Cebu City bilang host ng programa, na lalahukan ng iba pang local government units sa Western, Central at Eastern Visayas.
Ayon sa DILG officer-in-charge ng Cebu City na si Dr. Neila Aquino na nakipagpulong sila sa city administrator at mga pinuno ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Cebu City Transportation Office at Substance Abuse and Prevention Office para sa mga kinakailangang paghahanda sa nasabing kaganapan.
Gaganapin ang programa sa Plaza Independencia at inaasahang aabot sa 5,000 kalahok ang lalahok sa event.