-- Advertisements --
royina garma
P/Col. Royina Garma

Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si P/Col. Royina Garma bilang susunod na general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa premiere night ng pelikulang “Kontradisksyon” sa isang mall sa Ortigas.

Si Garma, na kasalukuyang hepe ng Cebu City Police Office (CCPO), ang siyang hahalili kay retired Marine MGen. Alexander Balutan na nagbitiw sa puwesto noong Marso dahil sa umano’y kurapsyon.

Mahigit dalawang dekada na ring nasa serbisyo si Garma, na kauna-unahan ding babaeng police chief ng lungsod ng Cebu.

Una nang sinabi ng Malacañang na sinibak sa puwesto ng Pangulo si Balutan ngunit kumambiyo ito makaraan ang tatlong araw.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, naghain ng resignation letter ang dating PCSO official sa Office of the President na natanggap nito matapos gawin ang pagsibak.