-- Advertisements --

Sasampahan ng kaso ng lokal na pamahalaan gayundin ng Cebu City Police Office (CCPO) ang dalawang grupo ng mga kalalakihan na sangkot sa rambol na nangyari nitong weekend sa General Maxilom Avenue nitong lungsod ng Cebu.

Inihayag ni CCPO Director Police Col. Ireneo Dalogdog na nakilala na ang mga indibidwal na sangkot sa kaguluhan at hindi na nila bibigyan ng tsansa na hindi masampahan ng kaso ang mga ito kahit nagkaayos na ang dalawang panig.

Posible kasi umano itong mangyari ulit kung hahayaan nalang lalo pa’t pangalawang beses na nagkaroon ng ganitong insidente.

Nilinaw ni Dalogdog na hindi mga menor de edad ang sangkot sa kaguluhan kundi mga nasa edad 25 hanggang 27 anyos.

Base pa sa kanilang imbestigasyon, may kasamang ang isang babae na nilapitan at iniulat na hinarass ng kabilang grupo kaya nauwi ito sa suntukan.

Pinag-aaralan na umano nila ngayon kung anong kaso ang isasampa laban sa mga miyembro ng dalawang grupo