-- Advertisements --

CEBU CITY – Nakahanda ang pulisya ng Cebu City Police Office sa pagkumpiska ng mga laruan na lato-lato kung may direktiba na sa kanilang national headquarter.

Inihayag ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, ang director ng CCPO, na sa ngayon ay wala pa naman silang natanggap na direktiba galing sa kinauukulan o maging sa Police Regional Office 7.

Aniya, wala ring ordinansa na ipinasa ang local government unit nitong lungsod na nagba-bawal sa paggamit ng lato-lato.

Siniguro nito na hindi sila magda-dalawang isip sa pagkumpiska sa mga nasabing laruan kung may ordinansa o direktiba na ukol dito.

Gayunpaman, nilinaw ni Colonel Dalogdog na wala pa naman silang na monitor na mga karahasan dahil sa paglalaro ng lato-lato dito sa lungsod ng Cebu.