Siniguro ng Cebu City ang sapat na suplay ng lechon sa kabuuan ng Christmas season sa kabila ng mga kaso ng African swine fever (ASF).
Ayon sa National Meat Inspection Service, nananatiling matatag ang supply ng baboy sa buong probinsya ng Cebu, ang isa sa kinikilalang pinakamalaking producer ng lechon sa buong bansa.
Ayon sa NMIS, tuloy-tuloy din ang pag-iikot nito, kasama ang isinasagawang inspection sa mga palengke upang matiyak na ligtas mula sa ASF ang mga ibinebentang baboy.
Pagtitiyak ng ahensiya, nakakapagpakita rin ang mga pork at hog suppliers ng sapat na health certificate at livestock transport certificate batay na rin sa kanilang serye ng inspection.
Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit P5,500 ang presyo ng maliit na lechon (8-12 kgs) sa Cebu.