-- Advertisements --

Tinawag ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang Cebu na ‘gold standard’ para sa turismo sa bansa.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na R’ Cebu expo kahapon, Marso 14, inihayag ni Frasco na sa kabila kasi ng lahat ng pagsubok at hamon na dumating ay napanatili ang lakas ng espiritu ng mga Cebuano at nagkakaisa sa pangunguna ng mga lider dito.

Aniya, kung mayroon mang sukat ng tagumpay na natamo nito bilang kalihim ng turismo, buong pagmamalaki niyang sinabi na siya ay nadala ng kulturang ito na natutunan niya sa pagiging isang Cebuana.

Pinuri pa nito ang probinsya na aniya’y ‘shining star’ sa listahan ng destinasyon ng turismo sa Pilipinas na tumatanggap ng nasa 5 million dayuhan at lokal na bisita noong nakaraang taon at nag-aambag ng hindi bababa sa 125 bilyong pisong resibo ng bisita sa ating ekonomiya.

Idinagdag pa ng kalihim na mahigit 1.5 million ang nagtatrabaho sa turismo sa Cebu at patuloy na isang banner para sa mga destinasyon ngayon.

Binigyang-diin naman nito ang mahalagang papel ng small and medium enterprises (SMEs)sa tagumpay ng turismo kung saan nasa higit 90% pa ang kanilang mga stakeholders.