-- Advertisements --

Sinuspendi ng anim na buwan ng Office of the Ombudsman si Cebu Governor Gwen Garcia.

May kaugnayan ang kaso sa pagbibigay niya ng special quarry permit sa isang construction company ng hindi na nito hinanapan ng environmental compliance certificate (ECC) at ibang dokumento.

Apat na pahinang inilabas ng Office of the Ombudsman nitong Abril 23 ay kanilang sinuspendi ng walang bayad sa loob ng anim na buwan ang gobernador.

Paglilinaw ng Ombudsman na ang suspension ay maaring matanggal ng anumang oras kapag natapos na ang imbestigasyon o ito ay naibasura na.

Kahit na suspendido ay nilinaw ng Commission on Election (COMELEC) na mananatili pa rin si Garcia bilang kandidato sa Mayo 12.

Dagdag pa ng COMELEC na hindi makakaapekto ang suspension nito sa kaniyang reelection.