-- Advertisements --

Walang balak si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na tumakbo bilang bise presidente sa susunod na taon.

Kasunod ito sa lumabas na usapin na magiging pangalawang pangulo na kakandidato ito habang tatakbong pangulo naman si dating Senador Bong Bong Marcos.

Ayon kay Garcia, kailangan pa siya ng kaniyang mamamayan kaya hindi niya iiwan ang mga ito.

Magugunitang kumalat noong nakaraang Hunyo sa buong Cebu ang tarpaulin nina Marcos at Garcia na galing umano sa iba’t-ibang organisasyon.