CEBU CITY – Labis na ikinatuwa ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ibang mga opisyales ng rehiyon at mga lider ng ilang sektor ang pagkakatalaga kay Liloan Cebu Mayor Christina Garcia-Frasco bilang incoming Department of Tourism (DOT) secretary.
Naniniwala pa si Garcia na may kakayahan ang anak nitong pangasiwaan ang opisina lalo pa’t mula ito sa isa sa mga sentro ng turismo sa Pilipinas, ang Cebu.
“I will not be a meddling mother, nor a meddling governor. I will let her be, and be her own person, because I have full trust and confidence in Christina. I will not let my being a mother or even being a governor cramp Christina’s style. She has her own style, she is her own person, and she is a very, very capable person in whatever field you may throw her into,” ani Garcia.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang gobernadora kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tiwalang ibinigay nito sa kanyang anak.
Samantala, ikinatuwa at nagpaabot din ng pagbati ang mga business leaders ng Cebu kay Frasco bilang susunod na Tourism secretary sa ilalim ng susunod na administrasyon.