Hinimok ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang mga alkalde sa Central Visayas na laging itaguyod ang local autonomy dahil sila ang mas nakakaalam sa kung ano ang nangyayari on the ground.
Ito ang ibinigay na mensahe ni Garcia sa harap ng mga alkalde mula sa lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental, at Siquijor sa inihandang dinner reception kagabi ng Kapitolyo.
Nagtungo sa Cebu ang mga pitumpu’t limang town mayors para sa dalawang araw na seminar tungkol sa lokal na pamamahala kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) simula noong Huwebes, Setyembre 22.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ng gobernador ang mga tips sa pamamahala sa sitwasyon ng krisis, lalo na ang isa sa pinakamatinding kaso ng krisis sa kalusugan sa modernong panahon.
Dagdag pa nito na sa oras na ang mga national policies ay hindi epektibong natugunan ang sitwasyon on the ground, isa pang opsyon para sa kanya ay ang isang “no-brainer.”.