Cebu Gov. Gwen Garcia, nagpasalamat kay DILG Secretary Benhur Abalos sa pagbisita nito sa Cebu; Abalos, pinuri ang mga nagawa ng gobernadora sa probinsiya
Pinuri ng bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang mga programang sinimulan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa lalawigan para makabangon sa pandemya.
Naglabas ng pahayag si Abalos kasabay sa pagbisita nito at pagdalo sa ilang event sa Cebu kahapon, Hulyo 15 kung saan pinuri din nito ang mga programa at inisyatiba ni Garcia para muling buhayin ang ekonomiya at ibalik ang kabuhayan ng mga tao.
Sa panig naman ng gobernadora, nagpapasalamat ito kay Abalos dahil sa wakas ay natutunan pa umano ng ahensya na pahalagahan ang ginagawa ng probinsiya.
“We feel so honored, so priviledge that, for the first time, our Secretary of the Interior and Loacal Government is here with us to appreciate what we are doing, because Secretary Abalos understands local governance, having come from the local government unit himself,” ani Garcia.
Nagpapasalamat din ito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil isa pa umanong ‘brilliant choice’ ang paghirang nito sa bagong DILG chief.
Samantala, nagkaroon naman ng pakikipagpulong ang kalihim sa miyembro ng Regional Management and Coordinating Council (RMCC) ng rehiyon kung saan tinalakay ang prayoridad at direksyon ng ahensiya.
Pinaalalahanan nito ang lahat na unahin ang mga programang magpapaunlad at magpapanatili sa kapakanan ng mga pamilya upang makatulong sa paglutas ng mga problema ng ating lipunan tulad ng droga at iba pang kriminalidad.