-- Advertisements --

Cebu Gov Gwen Garcia, tutol sa “Sugbuak” o hatiin ang Cebu at bumuo ng panibagong lalawigan na “Province of Mactan”

Inihayag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na noon pa man ay tumutol na ito sa ideya na hatiin ang Cebu at bumuo ng panibagong probinsya.

Ito ang naging komento ni Garcia kasunod ng inilabas na pahayag ni Lapu-lapu City Mayor Junard Ahong Chan na suportado nito ang paglikha ng Province of Mactan.

Ngunit nilinaw naman ni Chan na hindi pa dapat ito iprayoridad sapagkat patuloy pa ang pagbangon mula sa epekto ng pandemya at bagyong Odette.

Sinabi pa ng gobernadora na mayroon pa umano itong epekto sa National Tax Allocation (NTA) at maaapektuhan dito ang probinsya ng Cebu.

Dagdag pa, malaking gastusin pa umano ito ng national government dahil bubuo na naman ito ng Provincial offices sa lahat ng mga government agencies.

Hindi pa umano solusyon na hatiin ang probinsya kundi mahalagang panatilihin at pahalagahan ang pagkakaisa hindi lang philosophically at politically kundi maging physically at geographically.