CEBU — Kinuwestyon ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia ang pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año tungkol sa posibling paghain ng kaso laban sa gobernadora kung magiging palpak ang executive order nito.
Inihayag ni Garcia na ang terminong ‘palpak’ ay isang ‘highly subjective word’.
Aniya, kung intensyon talaga ni Sec. Año na maghain ng kaso laban sa kanya, sinabing ‘prerogative’ na ito ng kalihim.
Ayon sa gobernadora na kung maghahain ng kaso laban sa kanya, sinabing magiging legasiya ito ng kalihim, ngayong 15 araw na lang at lilisanin na nito ang kanyang pwesto sa DILG.
Inimbitahan na lang ni Governor Gwen si Año sa mass oath-taking ng One Cebu ngayong Hunyo 28, upang makita nito sa huling sandali bilang DILG secretary ang mga alkalde at iba pang mga opisyal na sa mga nagdaang taon ay ‘subject’ sa mga kautosan, direktiba at mga showcause warnings.